All i want for christmas

Aba'y christmas na pala ngayon. Ang babaw ko talaga. Buti na nga lang eh maraming nag-text sa akin na bumati ng masayang pasko. Ang lakas pala ng epekto ang hindi pag-alis sa aking kwarto ng dalawang araw, di mo namamalayan ang araw. Kahit papaano, napatunayan ng mga text na may nakapapansin pala sa aking kaugukan at kabalbalan sa ibabaw ng mundong ito. Sa lahat ng nagtext, maraming salamat at sana'y mas maging masaya ang pasko nyo kaysa sa akin. (If i know, nagtext lang ang iba dyan dahil gustong humingi ng regalo. Sige, pagbibigyan ko ang mga nagtext dahil lang sa regalo. Punta kayo ngayon sa bahay at may libre kayong isang malagkit at mabasabasang HALIK mula sa aking puso... additional hugs pa...)
"Maybe christmas doesn't come from a store... Maybe christmas, perhaps, means a little bit more..." Famous line yan ni Grinch. Sa mga hindi nakakaalam, siya yung tauhan na ginawa sa pamamagitan ng pagpatung-patong ng mga unan, tinahian ng mga makakapal na balahibo at isinawsaw sa kulay berde na pangkulay kaya naging sira. Back to the line. Tama nga si Grinch na hindi talaga galing sa tindahan ang pasko. Pero kahit ano pang sabihin niya, I want presents. So ano nga ba ang wish ko sa paskong ito? Maghintay ka, bibigyan kita ng listahan.
Wish #1: Lap Top. Kahit "notebook" lang man ng ASUS. Kontento na ako dun. Basta huwag lang yung binebenta sa banketa.
Wish #2: I-pod Nano. Yung mini version ng I-Pod. (Kaya nga nano diba?)
Wish #3: Flat screen monitor. Yung plasma ha. The fatter the better.
Wish #4: Isang library. Ikaw na bahala sa books. Pagtyatyagaan ko nalang. No books about love muna ha. Ayaw ko na lalong mababasag ang puso ko.
Wish #5: House and Lot. Dapat sa loob ng isang subdivision. Yung katapat ng bahay ni Nene ng PBB lang naman ang gusto ko. Wala lang. Type ko lang.
Iyan ang Top 5 wishes ko this christmas na parang myx top 5 (meron ba nun?). Alam ko na wala kayong pera para maibigay nyo ang mga iyan sa akin. Magiging wishes nalang ang mga iyan habang buhay.
Napansin ko lang, ang sama ko sa entry na ito ano? Selfish ko talaga...
Basta, i still have this day to change naman eh. Nakakahiya. Pasko pa naman. As they say, better late than never.
Merry Christmas to all tsaka sana masaya pasko nyo. ^^
And don't be selfish tulad ko ha. ^^
Currently listening to: Made Me Look Good by Tom Leonard
Currently reading: Tuesdays with Morrie
Currently watching: The Grinch
Currently feeling: quixotic
Posted by: vahnlsq__
At: 12:11 PM | 13 hmmmm... |

